Alden and Maine
Alden and Maine
BUSOG na busog ang mga mata at feelings ng fans sa behind-the-scene photos nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Destined To Be Yours taping. Kitang-kita kasi ang pagiging clingy nila sa isa’t isa lalo na sa mga kuhang laging nakasabit ang mga kamay ni Maine sa balikat ni Alden habang nagbabasa sila ng script.

Saganang-sagana rin sa feels trip ang recent episodes ng serye nila. Nagkita na kasing muli sina Benjie (Alden) at Sinag (Maine) at mukhang nagbabalik ang feelings para sa isa’t isa na itinaboy na nila.

Ngayong may kanya-kanya na silang love life, kaabang-abang ang magiging epekto ng kanilang muling pagkikita. Paano ang friendship nina Trish (Thea Tolentino) at Sinag? Tiyak na lalong kikiligin ang lahat sa Destined To Be Yours ngayong mas nag-level-up ang love story nina Sinag at Benjie.

Samantala, para sa mga taga-California, uwian na dahil may nanalo na! Wish granted na sa fans nina Alden at Maine ang kilig overload na dala-dala nila sa “Kalyeserye sa US” concert sa Pasadena Civic Auditorium. Ayon sa fans, malakas pa rin ang dala-dalang kilig ng mga bida ng Destined To Be Yours. Worth the wait nang makita nila ang dalawa on-stage together at super sweet.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kahapon naman sila nagpakilig sa Kings Theatre sa New York .