MAS marami at mas malaking papremyo ang naghihintay sa pagbabalik ng RGMA Pera Sorpresa – ang nationwide proof-of-purchase promo ng Radio GMA.

Simula April 24, labing-dalawa (12) ang mananalo ng tig-P1,500 kada linggo sa bawat isa sa 15 RGMA areas (Manila, Tuguegarao, Dagupan, Baguio, Lucena, Naga, Legazpi, Palawan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Kalibo, Davao, Cagayan de Oro, at General Santos) sa loob ng walong linggo. Bukod sa weekly winners, magkakaroon pa ng labinglimang (15) bonus prize winners na makakatanggap ng tig-P10,000 at may anim (6) pang mananalo ng P5,000 na bubunutin randomly nationwide. 

Gaganapin ang weekly draws tuwing Sabado ng bawat playing week sa lahat ng RGMA Stations nationwide.

Lahat ng non-winning entries ay magkakaroon ng tsansa upang maging lucky winner ng 1 million pesos sa grand draw sa July 8. Limang winners din ang makakakuha ng P25,000.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang Pera Sorpresa ay binubuo ng mga sumusunod na sponsors: Petron, Tang, Bear Brand Powdered Milk Drink, Bravo Male Supplement, Wellmade, at Sunsilk Co-Creations Shampoo.

 Para makasali, isulat lamang ang pangalan, edad, address, contact number at pirma sa isang papel at isama ang required proof-of-purchase sa loob ng isang puting sobre.

Ilista sa likod ng sobre ang RGMA Pera Sorpresa, week number, POP/brand na nakapaloob, at ang pinapakinggang RGMA station.

Maaaring maghulog ng entries sa designated drop boxes na mahahanap sa mga piling Petron outlets at RGMA stations, o ipadala sa pamamagitan ng registered mail sa RGMA stations hanggang June 30, 2017.

Para sa karagdagang detalye, makinig lamang sa kahit anong Barangay FM station at Super Radyo AM station nationwide, i-like ang Pera Sorpresa Facebook page sa www.facebook.com/PeraSorpresaNationwidePromo, panoorin ang Pera Sorpresa mechanics plug, o bisitahin ang www.gmanetwork.com/radio.