Kris copy copy

FINALLY, nagsalita na rin si Kris Aquino kung ano talaga ang totoo sa kanila ni Konsehal Renan Morales, anak ng producer ng Trip ni Kris na si Ginang Rhodora Pascual Morales o mas kilala bilang si Ms. Doray.

Sa eksklusibong panayam kay Kris ni Ms Jo-Ann Q. Maglipon, editor in chief ng Philippine Entertainment Portal (PEP), inilabas ng Queen of All Media ang hinaing na noong una ay ayaw daw niyang pumatol sa press releases ni Renan na may namumuong relasyon sa kanila.

Inisa-isa ni Kris sa PEP ang lahat.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bungad ni Kris, “I swear, super na-delay ang bayad, isa yun.

“Ang press release nila, big time na big time sila.”

Nagulat si Kris na nagpatawag ng presscon ang producer ng two-hour travel special habang wala siya sa bansa noong March 16.

“Nagpa-presscon sila para sa sarili nila. Sarili nila prinomote nila, not me,” kuwento ng TV host.

Pagkatapos daw ng travel special show ay hindi na siya nakipag-communciate sa mag-ina at wala raw siyang alam sa naglabasang releases na may namumuong romansa sa kanila ni Renan.

“I have no involvement with them. Okay, super nagamit ako because the son wants to be vice-governor of Nueva Ecija.

Super use-me-in-a-sentence talaga ang nangyari,” pambubuko pa ng Queen of All Media.

Nabanggit din sa amin ng taong malapit kay Kris na hindi nito nagugustuhan ang mga headline na lumabas sa pahayagan kamakailan tulad ng, ‘Anak ng produ ng Trip... Kris in love na raw sa car racer na ex ng mga sexy star.”

Sinundan pa ng, ‘Ito rin palang si Mister Renan ang nagpadala ng flowers and balloons kay Kris na ibinintang noon kay QC Mayor Herbert Bautista.”

May isang article pa raw na ipinalabas na in love na si Kris kay Renan na lalong ikinaloka ng TV host dahil ni minsan daw ay hindi sila nag-date nito.

Kaya inamin na rin ni Kris sa PEP na nagpalit siya ng cellphone number.

“I changed my number. Kasi, sabi ko, ayaw ko nang makausap. Kasi na-turn off talaga ako. Na-yuck talaga ako.

Talagang, oh my god, first and last!”

Samantala, marami ang nagtatanong kung bakit ngayon lang nagsalita si Kris at kung bakit hindi niya kaagad sinagot nang maglabasan ang write-ups.

“Ayaw kasi ni Kris masira ang show kasi nga naman pinag-produce siya at bilang paggalang na rin kay Madam Doray,” kuwento ng source.

Oo nga naman, panay pa rin naman ang promote ni Kris sa kanyang social media account na panoorin ang Trip ni Kris kahit masama na pala ang loob niya.

Pati ang press release na hatid-sundo raw si Kris ng chopper at Rolls Royce para hindi siya ma-late sa tapings niya sa Nueva Ecija ay wala raw katotohanan.

“Asan ang chopper at Rolls Royce? Kilala mo naman si Kris, kung meron naka-Instagram kaagad ‘yun. Waley naman,” sey pa ng source.

Isa pang source namin ang nagkuwento tungkol kay Renan.

“Matagal nang gustong mag-artista, lahat gagawin ng ina para sa anak, ‘kaso hindi pa natutuloy ‘yung pelikulang gagawin.”

Tinanong din namin kung gaano kayaman sina Madam Doray dahil may nabanggit si Kris na na-delay daw ang bayad sa kanya.

“May pera pero sumusobra minsan ang kuwento ng iba,” say ng aming source.

Bukas ang pahinang ito para sa mag-inang Madam Doray at Renan upang mailabas ang kanilang panig. (REGGEE BONOAN)