Awra Briguela (1) copy

HINIRANG na kauna-unahang Your Face Sounds Familiar Kids grand winner ang Breakout Child Star na si Awra Briguela nang siya ang makakuha ng pinakamataas na pinagsamang score ng jury at public text votes sa grand showdown ng programa nitong nakaraang Linggo ng gabi sa ABS-CBN.

Nagkamit ng score na 95.41% si Awra at pinahanga ang manonood sa kanyang galing sa pag-rap at nakaaaliw na performance sa kanyang transformation bilang ang sikat na American rapper na si Nicki Minaj.

Siya ang nag-uwi ng gantimpalang P1 milyon, house and lot, at trip for four to Jeju Island, South Korea.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, tinutukan ng mga manonood ang dalawang gabing pagtatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids kaya ito ang manguna sa national TV ratings, ayon sa datos ng Kantar Media. Nagkamit ang palabas ng national TV rating na 35.3%, mas mataas kumpara sa nakuhang 18.1% ng Pepito Manaloto noong Sabado (Abril 8). Panalo rin ang Your Face Kids sa national TV rating na 38.3% laban sa Tsuperhero na nagkamit naman ng 14.7% noong Linggo (Abril 9).

Naging mainit na usapin din sa social media ang final showdown at manguna ang official hashtags ng palabas na #YFSFGrandShowdown at #YFSFGrandWinner sa listahan ng trending topics sa Twitter.