ALISTO_Magbabahagi ng basic rescue tips ang Kapuso teen actor at D’ Originals star na si Elyson de Dios copy

ANU-ANO ang mga dapat gawin para maging ligtas ang bakasyon? Ngayong gabi, kasama ang Philippine Life Saving, magbabahagi ng basic rescue tips ang Kapuso teen actor at D’ Originals star na si Elyson de Dios sa Alisto.

Sa isang resort sa Binangonan, Rizal, ang dapat sana’y masayang outing, nauwi sa rambol. Nakuhanan ng video ang bangayan ng dalawang grupo. Lasing daw ang ilan sa mga sangkot. Ayon sa kumuha ng video, hindi sana aabot sa sakitan ang iringan ng dalawang grupo kung may guwardiya sa resort.

Sa ilang pagkakataon naman, nauuwi sa mas malalang trahedya ang bakasyon. Sa isang resort sa Caloocan City, nalunod ang isang pitong taong gulang na bata. Nakuhanan ng video ang pagsagip sa paslit at pagbibigay sa kanya ng cardiopulmonary resuscitation o CPR.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

Bukod sa basic rescue tips, magbibigay rin ang Philippine Coast Guard ng mga pamantayan sa mga may-ari ng resort.

Tinutukan din ng Alisto ang mga vehicular accident ngayong uso na naman ang road trip. Para sa mahahabang biyahe, ibabahagi ng programa ang road safety tips para iwas aksidente.

Abangan ang lahat ng aksiyon sa Alisto kasama si Arnold Clavio ngayong gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.