Ni JIMI ESCALA

Ara Mina
Ara Mina
ANG payat na ngayon ni Ara Mina. Kaya kahit may dalawang taong baby na si Amanda Gabrielle ay parang hindi nakikita ‘yun kay Ara.

Kinakarir daw kasi niya ngayon ang pagpapapayat dahil gusto niyang maibalik sa dati ang katawan niya.

May mga pinaghandaan kasi siyang gagawing proyekto, at siyempre ayaw naman niya na pawang pang-mother roles ang iniaalok sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Isa rin sa mga dahilan ng pagpapayat ni Ara ang makatagpong muli ng magmamahal sa kanya nang lubos at magkaroon na rin ng sariling pamilya.

“Well, sino ba ang hindi nangarap na magkaroon ng sariling pamilya. Simpleng pangarap ‘yun ng isang babae na kagaya ko,” napangiting tugon ng aktres.

Marami ang nag-akala noon na mauuwi sa kasal ang relasyon nila ng ama ng kanyang anak, si Mayor Patrick Meneses. Pero noong tatlong buwan ang anak nila ay hiniwalayan siya nito.

Aminado si Ara na iniyakan niya ang paghihiwalay nila ni Mayor Patrick at umasa siyang magkakabalikan pa sila, pero hindi nangyari ‘yun. Gayunpaman, kahit walang nangyaring balikan ay ipinagmamalaki ni Ara na napanatili nila ang pagiging magkaibigan.

Para pa rin daw ‘yun sa anak nilang si Amanda Gabrille, and in fairness daw hindi nagpapabaya si Patrick sa obligasyon nito bilang ama ng kanilang two year-old daughter.

Samantala, bukod sa negosyong beauty product line na Ara’s Secret ay nagbukas pa si Ara ng sarili niyang Hazelberry Bakeshop and Café sa Mindanao Avenue sa Quezon City at sa opening ay present lahat ang mga kaibigan niya na kagaya ni Ms. Sunshine Cruz.