ALDUB AT TRES LOLAS_please crop copy

KAHAPON ang alis nina Alden Richards at Maine Mendoza, kasama ang Tres Lolas ng kalyeserye ng Eat Bulaga sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paulo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) para sa kanilang “Kalyeserye sa US” ngayon, April 9, sa Pasadena Civic Auditorium, Los Angeles, California at sa Wednesday, April 12, sa Kings Theater sa Brooklyn, New York City.

Bago umalis, tinapos muna nina Alden at Maine ang ibang trabaho nila. Last Wednesday, after ng kanyang taping ng Destined To Be Yours, nag-shoot si Maine ng new TV commercial (TVC) ng kanyang endorsement. Nag-rehearse din sila ni Alden para sa kanilang US show.

Nag-shoot din si Alden ng anniversary TVC ng kanyang isang endorsement na nagtapos sa Philippine Post Office. Dinalaw din niya ang naka-confine sa hospital na si Lola Dub (siya ang may-ari ng bahay na sa Kawit, Cavite na ginawang AlDub Gallery na puno ng pictures nina Alden at Maine, mula sa ibaba ng wall hanggang ceiling). Ilang araw nang naka-confine si Lola Dub at ni-request niyang dalawin siya ng mga mahal niya bago sila umalis papuntang Amerika.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Wala na nga munang taping ng teleserye nila sina Alden at Maine. Pero nag-live pa sila sa Eat Bulaga kahapon bago tumuloy ng airport. Pagbalik nila, tuloy na muli ang taping ng teleserye na patindi na nang patindi ang mga eksena.

Naging friends kasi sina Sinag/Sunshine (Maine) at Trish (Thea Tolentino) na pareho silang walang kaalam-alam na iisa ang lalaking pinag-uusapan nila, si Sinag ang dating minahal na lalaki na si Benjie at si Trish, ang boyfriend na tinatawag niyang Benjamin. Selosa si Trish at ilang babae kaya ang aawayin niya dahil kay Benjamin? Paano kapag nalaman ni Trish na ang gusto niyang makilalang si Sinag ay si Sunshine din?

Mula sa direksiyon ni Irene Villamor, napapanood ang Destined To Be Yours gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia.

(NORA CALDERON)