Harry copy

HINDI makakaila na high-profile ang dating life ng miyembro ng One Direction na si Harry Styles na nagkaroon ng relasyon noon kina Taylor Swift at Kendall Jenner.

Ngunit sa kabila ng kanyang celebrity status, inamin ni Styles na nire-research niya ang kanyang nakaka-date bago siya makipagkita sa personal.

Ito ang kuwento ni Styles nang kapanayamin ng BBC Radio 1 host na si Nick Grimshaw. Aniya, “I’m not going to do that anymore. It’s impossible to go in without a perception of someone and you’ve never met them, and I started feeling like that was wrong and weird.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Gayunman, ibinahagi ng singer na matagal na ang huling date niya. “‘I haven’t dated for ages. I’ve been too busy making a movie and my solo album”

Inaabangan na ng kanyang mga tagahanga ang kanyang solo debut at ang WWII film na Dunkirk ni Christopher Nolan.

Bagamat walang panahong makipag-girlfriend, mayroon pa naman siyang oras para sa kanyang mga kaibigang babae.

Ikinuwento niya ang kanyang natanggap na espesyal na regalo mula kay Adele nang tumuntong siya ng 21. “She gave me one of her albums, 21, and said, ‘I did some pretty cool stuff when I was 21 — good luck.’ And I was like, ‘Geez,’”kuwento ni Harry.

Lumabas na ang unang single ni Harry na Sign of the Times kahapon. Magtatanghal din siya sa SNL sa susunod na linggo.

(Yahoo Celebrity)