JaDine-500x500

HINDI maganda ang mga nasulat na tsika sa nangyari sa US Tour nina James Reid at Nadine Lustre lalo na ang concert nila sa San Francisco. Sa Facebook inilabas ng producer ang sama ng loob at lahat ng dinanas na hirap sa pagpoprodyus ng concert ng JaDine.

Ang haba ng post at reklamo ng producer at ang isa sa mga reklamo nito ay ang kawalan ng oras ng JaDine to meet their fans na ang iba ay nanggaling pa sa different states ng Amerika. Nawala ang photo op at iba pang activities na dapat daw ay ginawa ng JaDine.

In fairness, hindi lang ang Jadine ang sinisi ng producer, pati ang mga kasama ng magka-love team na humawak at may alam ng schedule.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pagbalik ng Jadine sa Pilipinas, malalaman natin ang side nila sa hindi magandang feedback na ito.

Ang sagot lang ni James sa mga isyu ay ang kanyang post sa Instagram na, “Always JaDine Tour is over! Thanks to everyone who came and to those that followed us cross country. It was great to perform for you again. Love you all, always.”

Sabi ng mga nakabasa sa thank you post ni James, bakit hindi niya pinasalamatan ang producers ng concert pati ang lahat na naghirap para maging successful ang US Tour nila ni Nadine? (Nitz Miralles)