Sugatan ang apat na katao nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Kabayanan sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang isa sa mga sugatang biktima na si Marilyn Reyes, 58, nagtamo ng second degree burn, at may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog sa A. Rita Street, kanto ng A. Bonifacio St., Bgy. Kabayanan, bago mag-10:00 ng gabi.

Nagtamo naman ng minor injuries ang tatlo pang residente na pawang hindi nakuha ang pangalan.

Ayon kay Fire Marshall F/Chief Insp. Greg Bomowey, nakatanggap sila ng ulat na nagpakulo ng tubig, gamit ang sirang kalan, si Reyes kaya sumiklab ang apoy.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Ayon sa mga imbestigador, aabot sa 15 bahay, karamihan ay gawa sa light materials, ang nilamon ng apoy na umabot sa ikaapat na alarma at aabot sa 75 pamilya ang naapektuhan.

Dakong 11:45 ng gabi nang ideklarang fire under control at bandang 2:46 ng madaling araw kahapon tuluyang naapula.

Tinatayang aabot sa P900,000 ang halaga ng ari-ariang natupok. (Mary Ann Santiago)