SHARON copy copy

NABENTA na ang bahay sa California ni Sharon Cuneta at siya mismo ang nagbalita nito via Facebook. Ang nakabili ng bahay ay actor sa Hollywood at ang sabi ni Sharon sa kanyang post: “Oh, the new owner of my house in California is one of Adam Sandler’s friends, Allen Covert. He has appeared in almost all of Adam’s movies. He played (I think he was called :) “10-second Tom” in 50 First Dates.

Obvious na ikinalungkot nang husto ni Sharon ang pagbebenta sa kanyang bahay dahil sa mga sumunod niyang post na, “I love you and miss you, California :),” “And you, my happy kitchen, I will always keep in my heart” at may kasama itong kuha sa kusina ng bahay.

Ipinost din niya ang pictures ng kanyang bedroom at sinundan ng, “I miss you so much, my happy bedroom... you look sad without my books and the other furniture.” Sa picture ng buong bahay, sabi ni Sharon “I miss you, my happy house....”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May pahabol pa siyang, “I hope your new owners are loving you as much as I always will be....”

Hindi sinabi ni Sharon kung saan sa California ang ibinentang bahay na napakalaki at napakaganda, may dalawang swimming pool na pambata ang isa.

Of course, hindi sasabihin ni Megastar kung magkano naibenta ang nasabing bahay. (NITZ MIRALLES)