Iza Calzado - Ilawod copy

SRO ang special screening sa UP Film Center ng Bliss, ang controversial na pelikula ni Iza Calzado na produced ng Tuko Film Productions, Inc., Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno (TBA) at pinamahalaan ni Direk Jerrold Tarog (Heneral Luna). Ang first-come-first-served free screening ay ginanap noong Lunes ng gabi, April 3, sa UP Cine Adarna.

Mangiyak-ngiyak si Iza pagkatapos ng screening pagbukas ng ilaw dahil binigyan siya ng malakas na palakpakan at sigawan ng audience. Galing sa taping si Iza at humabol lang sa event.

Ang Bliss ang pinaka-daring role nang nagampanan ni Iza, ito ang nagpanalo sa kanya ng first international best performer award niya -- sa Osaka Film Festival.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Psychological thriller ang pelikula. Ginampanan ni Iza ang role ng isang jaded actress na nakaranas ng sunud-sunod na misfortune sa production ng pelikulang pinoprodyus niya.

Kasama ni Iza sa Bliss sina Ian Veneracion, TJ Trinidad, Arienne Vergara at Shamaine Buencamino.

Ano nga ba ang dahilan at sinampal ng MTRCB ng X rating ang pelikula? Walang makitang sapat na rason ang mga nanood para bigyan ito ng ganoon classification. Walang eksenang brutal o violent na mapapanood. Mahuhusay ang mga artistang gumanap lalo na si Shamaine bilang selfish na stage mom.

Nagkakaisa ang lahat sa sinasabi na wala ibang pwedeng gumanap bilang Jane Ciego maliban kay Iza Calzado, na nagawang i-sustain ang character mula sa simula hanggang sa katapusan. May pasubali rin ang movie, huwag iwanan hangga’t hindi tapos.

Congratulations Ms. Iza Calzado at sa buong Team Bliss!

Malalaman natin kung ano ang resulta ng pag-apela ng producers ng pelikula sa MTRCB. As of press time, hindi pa naisasagawa ang second preview. Marami ang nag-aabang kung papayagan na rin nilang ipapanood sa mga Pinoy ang pelikulang ito. (NORA CALDERON)