Duguang bumulagta ang dalawa umanong kilabot na miyembro ng “gasoline gang” makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Pinyahan, Quezon City kahapon.

Sa report ni Police Supt. Rodel Marcelo ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 12:00 ng hatinggabi nang holdapin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang gasolinahan sa V. Luna Street, Bgy. Pinyahan.

Natiyempuhan ng mga rumurondang tauhan ng QCPD ang panghoholdap ng mga suspek na mabilis na tumakas.

Sinita ng mga awtoridad ang mga suspek ngunit sa halip na tumalima ay binaril ng mga ito ang sasakyan ng mga pulis na nagresulta sa habulan at putukan hanggang sa tuluyang bumulagta ang mga suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki. (Jun Fabon)