Itinuloy na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang paggiba sa mga fishpen sa 90,000-ektaryang Laguna de Bay.
Sa inilabas na report ng DENR, nasa kalagitnaan na ang ahensiya ng dismantling operations ngayong Abril matapos na mapaso noong Marso 31 ang ibinigay nilang deadline sa mga may-ari ng fish pen na baklasin ang mga ilegal na istruktura.
Sinabi ng DENR na kung patuloy na magmamatigas ang mga may-ari ng fishpen ay idi-demolish na ng dalawang ahensya ang mga baklad, katulong ang National Anti-Environmental Crime Task Force (NAECTF).
Plano ng DENR at LLDA na makumpleto ang clearing operations sa kalagitnaan ng taon, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte para malinis ang lawa at mapakinabangan na ito ng malililiit na mangingisda. (Rommel P. Tabbad)