NEW YORK (AP) – Bisibita ang manugang ni President Donald Trump at senior adviser na si Jared Kushner sa Iraq kasama ang chairman ng Joint Chiefs of Staff, sinabi ng isang opisyal nitong Linggo.
Wala pang inilalabas na detalye kaugnay sa biyahe sa Middle East ni Gen. Joseph Dunford. Sinabi ng isang senior administration official na nais masaksihan ni Kushner ang sitwasyon sa Iraq at ipakita ang suporta sa gobyernong Iraqi.
Si Kushner ay nagsilbing shadow diplomat sa administrasyong Trump at nagbigay ng mga payo sa relasyon kaugnay sa Middle East, Canada at Mexico.
“If you can’t produce peace in the Middle East, nobody can,” sinabi ni Trump kay Kushner sa isang gala ilang araw bago ang kanyang inagurasyon.