Kokoronahan ngayong buwan ang bagong sultan ng Rajah Buayan — isa sa tatlong pangunahing royal principalities sa Maguindanao — bilang suporta sa pagbuhay ng administrasyong Duterte sa mga sultanato bilang malakas na kasangga sa kampanya laban sa mga organisadong krimen, lalo na ang ilegal na droga at religious extremism.

“It’s all set in time with the revival of sultanates or traditional leaderships as government partners in the campaign against organized crimes,” sabi ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu sa Manila Bulletin.

Ang tinutukoy ng gobernador ay koronasyon ng kanyang tiyuhin na si Datu Kuso Mangudadatu sa Linggo, Abril 9.

Bunso sa tatlong magkakapatid na lalaki, ang 64-anyos na si Datu Kuso ang hahalili sa nakatatandang kapatid na si Datu Markay, na pumanaw sa edad na 72 noong 2004 bilang Sultan ng Rajah Buayan. (Ali G. Macabalang)

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin