jaclyn-at-andi-copy-copy

BAGO kami dumalo sa thanksgiving presscon ng The Greatest Love nitong nakaraang Linggo ay nag-email kami kay Jake Ejercito tungkol sa isinampa niyang petition for joint custody at visitation rights para sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie, limang taong gulang.

Hindi na pala nahihiram ni Jake ang anak at hindi rin siya pinadalo sa nakaraang graduation nito sa nursery.

Nang huli naming makausap si Jake noong nakaraang taon, maayos pa niyang nahihiram ang anak at walang problema kaya nakagugulat na may word war na naman ang dating magkarelasyon.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Sumagot kinagabihan si Jake sa email namin ng, “Hi Ma’am Reggee, to protect Ellie, I’m afraid I can’t give you a comment on that right now. Hope you understand. Thank you for reaching out though!”

Nagpasalamat kami sa pagsagot ng ama ni Ellie at nag-follow-up. Dahil nakausap na namin si Andi, na nag-react na nawewerduhan ito sa petition ni Jake -- kasi hindi naman ito nakapirma bilang ama ng bata sa birth certificate bukod pa sa Eigenmann ang gamit na apelyido.

Hanggang sa sinusulat na namin ang balitang ito ay hindi pa muling sumagot si Jake.

Samantala, bilang bunso at pinakamabait na anak ang karakter ni Andi sa teleseryeng The Greatest Love ay marami ang nagsasabing tila kabaligtaran ito sa tunay na buhay ng aktres na palaging nababalitang nagtatalo sila ng kanyang inang si Jaclyn Jose, base na rin sa mga pahayag nila.

“Actually, that’s the common misconception, they think that because I’m a celebrity and what’s happening in my personal life is so much talked about in the media, iyon na ‘yun.

“My mom and I don’t have the love-hate relationship, we may have a lot of misunderstanding but we love each other very much and it’s just that it was only until... hindi kasi ako affectionate ‘tapos ‘yung mom ko, sobrang sensitive niya na person as in.

“Ako, parang ito na kasi ako, eh,” sabay tawa. “Sorry guys, pero ito na ako, this is it. Hindi ako talaga, if anything na sinasabi ko about my daughter may mga serious na captions in the Instagram, iyon na siguro ‘yun.

“Kaya nagkakaroon kami ng misunderstanding and since mag-ina kami at nakatira sa iisang bahay ‘tapos sobrang open pa namin sa isa’t isa, palagi kaming nagkakaroon ng pagtatalo.

“Eh, di ba kung honest ako, ‘yung nanay ko, mas honest pa ‘yun na hindi naman kailangang sabihin, isi-share pa (tawanan ang lahat), kaya akala ng mga tao love-hate relationship pero hindi naman talaga.

“And the difference now that I live alone by myself, hindi ko pa rin naman nakakalimutan nanay ko. I will tell her na maski I’m living alone na, she’s still a big part of me and my brother na love na love ko pa rin sila,” mahabang paliwanag ni Andi.

Sa istorya ng TGL ay si Dimples Romana bilang si Amanda ang pinakamalditang anak ni Sylvia Sanchez as Gloria, kaya tinanong muli si Andi kung nangyayari ba ito sa kanila ng sariling ina.

“Hindi. Pero... pinipilit niya, kasi nga may mom is very sensitive, ‘tapos ako hindi nga ako masyadong affectionate so para sa kanya (Amanda) na.

“Halimbawa, Mother’s Day, ‘tapos siya nasa taping, ako galing din taping, so matutulog muna ako. Eleven (11) AM, umiiyak na ‘yun kasi kinalimutan ko raw siyang batiin ng Happy Mothers Day, hello! Puwedeng magising muna ako, di ba?

Wait ka lang.

“Eh, ako, since hindi nga ako affectionate, gusto kong sabihin na, ‘Ma, hindi totoo ‘yan, matutulog lang ako.’ Eh, since (ganu’n ang iniisip ng nanay niya), hmmm, bahala ka na nga! So it doesn’t mean na it’s true. It was never my intention, it’s just that this is the way I am, ayoko ng mga drama-drama, confrontation, ganu’n,” katwiran ni Andi.

At dahil nanay na rin si Andi, ganito rin ba ang gusto niyang maging relasyon sa anak?

“Oo naman po, I want to raise Ellie to be strong and independent woman who knows how to make decisions for herself na hindi ko kailangang gawin para sa kanya at nandito lang ako as a mom, to guide her, not tell her what to do. It’s her own body, her own life and her own mind, it’s her heart, and I respect that. All I want is to raise her in such a way that I know that her decision-making will not be as tagilid as mine.

“So medyo gusto ko pareho kami ng relationship but at the same time, may trial and error din. Kung ano ‘yung medyo tumagilid na relationship namin ng mom ko, iba naman ang gagawin ko kay Ellie,” pahayag ng aktres.

Paano kung hindi rin affectionate o malambing si Ellie sa kanya, okay lang?

“Si Ellie is very, very affectionate and very, very sweet and I’m so lucky and I’m also happier to see that now it’s her job to be sweet to my mom. So nood na lang ako na, ‘Oh Ellie, ikaw na, hug mo na nanay, hug nanay, you kiss nanay and be there.’ Siya na lahat. Hindi kasi ako ganu’n.

“You know, I actually see that she and her father (Jake) are also that way, they are very, very sweet to each other and very, very close and I love it. Kasi kami naman ni Ellie, we’re best friends and no competition here. Kung ako affectionate, bakit naman ako magagalit, di ba? I know my daughter very much at five years old, she’s have a big heart at kasya naman kaming lahat doon, puwede naman kaming mag-share,” say ni Andi.

Sa kabilang banda, marami ang humahanga sa bawat karakter sa The Greatest Love na lalong inabangan ng televiewers ngayong tatlong linggo na lang ang natitira sa istorya. Lahat ay pawang positibo ang feedback, bagay na ipinagpapasalamat ng buong cast and crew.

“Wow, we succeeded, we did something this hard and towards the finish line and ‘yung pagtanggap sa amin ay warm pa rin as ever, it feels great,” say ni Andi.

“It wasn’t expected na ganito ang pagtanggap, but I’m hopeful kasi I’m used doing fantaserye, dramas and most of them is love story and ako as aspiring filmmaker, isa sa mga things that I hope for in our industry is may matutunan tayong tumangkilik ng iba’t ibang konsepto at isa ito sa pinakamagagandang concept na puwedeng ibahagi sa Pilipino.

“At ang natutunan ko bilang isa sa anak sa TGL is time is gold, time is so precious, you never know how long and how much time you have and never sees the moment when it comes to your family and love ones I always say this na having a life is more important than making a living in the sense na ‘yung ibang tao kasi para sa kanila, ‘nagtatrabaho lang naman ako para sa kanya.’

“Para sa akin, pero hindi, eh, hanggang saan mo gusto ‘yang umabot. Mamaya ‘yung anak mo lumalaki na hindi mo man lang nararamdaman kasi masyado kang busy on other things,” pahayag ng aktres.

Malaki raw ang naitulong ng TGL kay Andi bilang anak dahil ngayon ay independent na siya at alam na niya ang mga dapat gawin dahil nagma-mature na siya, at nakikita rin niyang tumatanda na rin ang nanay niya.

“So, I feel that ‘yung pagbukod ko is a good preparation for me emotionally, mentally prepared, naintindihan ko na rin,” say ni Andi.

Hanggang Abril 21 na lang sa ere ang The Greatest Love na sa teasers na ipinakita ay mas lalo pang kaabang-abang at sure na sure na lalong magpapaiyak sa mga manonood. (REGGEE BONOAN)