Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) mula Abril 12, Miyerkules Santo, hanggang umaga ng Abril 13, Huwebes Santo.
Ayon sa pamunuan ng NLEX, 15 porsiyento ang inaasahang pagtaas sa bilang ng mga babaybay sa NLEX na katumbas ng 250,000 na sasakyan.
Dahil dito, naghahanda na sila sa pagtulong sa mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya at ikinakasa na nila ang kanilang “Safe Trip Mo Sagot ko” program sa Mahal na Araw.
Simula April 7 hanggang Abril 17, magdadagdag ang NLEX ng patrol vehicles at enforcers na ipakakalat sa mga kalsada para asistehan ang mga motorista.
Sa Abril 7, 8, 12 at 13 naman ang Balintawak Toll Plaza ay magbubukas ng maximum 30 toll collection point mula sa normal nilang 16.
Magdadagdag din sa Mindanao Avenue Toll Plaza ng collection points sa Abril 15 mula sa normal na 5.
Gagawing 29 ang toll collection point sa Tarlac Toll Plaza mula sa 5 habang, at mula sa apat na toll collection point ay magiging 12 sa Tipo Toll Plaza.
Sa Bocaue toll plaza ay 53 collection point ang bubuksan.
Pansamantala muna nilang ihihinto ang roadworks sa Mahal na Araw para matiyak ang mabilis na daloy ng mga sasakyan. (Jun Fabon)