Sa kabila ng pagbabagong-buhay, isang adik na sumuko sa Oplan Tokhang ang pinasok sa bahay ng dalawang naka-bonnet at pinagbabaril sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si John Junar Rivera y Batinga, 35, binata, ng No. 14 4th Street, Kalayaan B, Bgy. Batasan Hills.

Kaagad na binawian ng buhay si Rivera dahil sa tinamong mga tama ng bala ng .45 caliber pistol.

Base sa report ni PO3 Arvin Oballo, ng Quezon City Police District (QCPD)-Batasan Station 6, bandang 10:30 ng gabi nitong Biyernes at nasa loob ng bahay ang biktima, kasama ang kanyang hipag at pamangkin, nang pasukin sila ng dalawang armadong nakasuot ng bonnet at pinagbabaril ang biktima.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Sa pahayag sa pulisya ng hipag ni Rivera na si Garilyn Villanueva, 27, napag-alaman na dating gumagamit ng droga ang biktima ngunit nagbagong-buhay na ito. (Jun Fabon)