Nagbaba ng paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa ilegal na paggawa at pag-imprenta ng pera, mapa-colored man ito o black and white, alinsunod sa BSP Circular No. 829, Series of 2014.
Batay sa nasabing circular number, walang sinumang indibidwal o grupo ang maaaring gumawa at mag-imprenta ng handbill, advertisement, placard, circular, card, o anumang bagay na mayroong simbolo ng pera ng Pilipinas, black and white man ito o colored, nang walang awtoridad mula sa BSP.
“No person or entity, public or private, shall design, engrave, print, make or execute in any other manner, or utter, issue, distribute, circulate or use any handbill, advertisement, placard, circular, card, or any other object whatsoever bearing the facsimile, likeness or similitude of any legal tender Philippine currency note, or any part thereof, whether in black and white or any color or combination of colors, without prior authority therefor having been secured from the Governor, BSP, or his duly authorized representative,” saad sa circular.
Babala ng BSP, sinumang lumabag dito ay papatawan ng lima hanggang sampung taong pagkakakulong.
Sa kaugnay na ulat, ipinaalala rin ng BSP na tinatanggap pa rin nila ang perang papel at polymer banknotes na may tupi sa lahat ng payment transactions.
Ipinapayo rin ng BSP na sakaling magkaroon ng tupi ang pera, hindi dapat ito plantsahin o i-expose sa sobrang init o lamig na temperatura.
Sa kabilang banda, ang pagsusulat o pagmamarka sa mga pera gamit ang anumang panulat, lubos na paglukot, paggupit at pagbubutas, pag-stapler, pagsunod, at pag-expose, ay hindi pinahihintulutan ng ahensya.
Ang paglabag dito ay may multang aabot sa
₱20,000 o kaya’y pagkakakulong ng hanggang limang taon, alinsunod naman sa Presidential Decree No. 247 o ang Anti-Mutilation Law.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Perang may tupi, puwede pa bang gamitin pambayad?