Tumalak si Sen. Alan Peter Cayetano laban sa banta ni Sen. Ping Lacson na pagpapakulong umano sa kaniya bunsod ng ghost project sa Taguig City.
Sa kaniyang Facebook live nitong Linggo, Hulyo 19, 2026, iginiit ni Cayetano na hindi lang daw dapat ang balwarte niya ang dapat pag-initan ni Lacson hinggil sa usapin ng ghost flood control projects.
“‘Di ko sinasabing may problema ang mga city na ‘yan. Ang sinasabi ko, ipakita ni Senator Lacson na hindi inis lang siya sa isang tao,” ani Cayetano.
Sinagot din ni Cayetano ang pahayag ni Lacson na humahanap na umano sila ng ebidensya laban sa kaniya upang mailagay siya sa kulungan.
“Paano naman tayo dumating doon? Hindi mo lang type yung isang tao, gusto mo nang ikulong,” saad pa ni Cayetano.
Matatandaang ginawa ni Lacson ang mga tiradang may ghost project umano sa Taguig matapos siyang tirahin ni Cayetano hinggil sa alegasyon laban sa kaniyang Statement of Account, Liabilities and Networth (SALN).
“My integrity is my first and last line of defense and I will fight to defend it with all my might. Sen Cayetano has crossed the line by attacking it. My integrity is my first and last line of defense and I will fight to defend it with all my might. Sen Cayetano has crossed the line by attacking it,” ani Lacson.
Kaugnay nito, ibinunyag ni Lacson na kumikilos na raw ang kaniyang kampo upang mapanagot si Cayetano at mailagay siya sa likod ng rehas.
“As of this morning, I’m still counting informants and witnesses, directly or through intermediaries, willing to provide information and evidence to put him in his proper place - the Payatas, QC jail,” saad pa ni Lacson.
KAUGNAY NA BALITA: 'The Payatas, QC Jail!' Sen. Ping, ilalagay sa tamang lugar si Sen. Alan