Meghan copy

PINARANGALAN ngayong buwan sa Vanity Fair U.K ang philanthropic work ni Meghan Markle sa pamamagitan ng isang feature na nagtatampok din sa iba pang mga bigating pangalan sa Hollywood world at humanitarian world tulad nina Cher at Emma Watson.

Nagtrabaho ang Suits star bilang United Nations ambassador, bumisita sa Rwanda kasama ang World Vision Canada, nagtungo sa India para suportahan ang kababaihan na nakatira sa mahihirap na komunidad at kamakailan ay sumulat ng sanaysay sa TIME para iwasto ang mga maling paniniwala tungkol sa menstruation.

Sa kanyang sariling larawan, nag-pose si Markle kasama si Mary Robinson, dating Pangulo ng Ireland, poet na si Fatima Bhutto, at women’s rights activist na si Loujain al-Hathloul sa harap ng Parliament Hill ng Ottawa.

ALAMIN: Bakit may paniniwalang ‘malas’ ang Friday the 13th?

Nitong Oktubre, nakilahok siya sa One Young World Summit sa Ottwa, Canada, isang event na dinadaluhan niya simula 2014, nang magtungo siya sa Dublin summit.

Sumali sa summit ngayong taon ang 1,300 youth leaders mula sa 196 na bansa. Dumalo rin sa event sina Cher, Watson, at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Binalikan ni Markle, na may kaparehong passion para sa humanitarian work ng kanyang boyfriend na si Prince Harry, ang kanyang unang karanasan sa organisasyon sa kanyang lifestyle website na The Tig.

“When I was asked to be a Counsellor at One Young World, my response was a resounding ‘yes,’ ” saad niya noong 2014.

“One Young World invites young adults from all over the world who are actively working to transform the socio-political landscape by being the greater good. They are delegates who are speaking out against human rights violations, environmental crises, gender equality issues, discrimination and injustice. They are the change.” (People.com)