Johanna Konta, Tennis
DINAMPIAN ng halik ni Johanna Konta ng Britain ang glass trophy nang tanghaling kampeon sa Miami Open tennis tournament kontra Caroline Wozniacki ng Denmark nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Key Biscayne, Florida. (AP)
KEY BISCAYNE, Fla. (AP) — Bitin man sa paghiyaw bunsod nang paghintay sa resulta ng ‘instant replay’, walang pagsidlan ang kasiyasan ni Johanna Konta sa pinakamalaking tagumpay na napagwagihan sa 11 taong career.

“To be honest, I actually couldn’t kind of believe it was over,” pahayag ni Kontra matapos ang 6-4, 6-3 panalo kontra Caroline Wozniacki 6-4, 6-3, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Tinaguriang ‘late bloomer’ ang career sa edad na 25-anyos, umusad ang kanyang winning mark sa 19-3 ngayong season at inaasahang makukuha ang career-high No.7 bilang unang babaeng British player na nagwagi ng titulo sa Key Biscayne.

“On paper it looks like a quick turnaround. But it definitely has been a lot of years and a long time coming,” aniya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naging agresibo si Konta sa final sa naitalang 33 winner, kumpara saw along nagawa ng 12th-seeded na si Wozniacki.

Naiuwi niya ang US$1.18 milyon premyo. Kabilang sa mga titulo niya ang maliliit na torneo sa Sydney at Stanford.

“She’s very aggressive. She takes the ball early and stresses the opponent,” aniya.