CLAUDINE1 copy

MAY mga gamit pa pala si Rico Yan (SLN) na itinatago ni Claudine Barretto at nalaman lang ito ng loyalistang supporters ng dalawa, particularly ang RicoYan-Claudine fans club, nang i-post ng aktres na iga-garage sale niya ang mga ito.

Nabanggit ni Claudine na maglilipat sila ng bahay at kailangan niyang magbawas ng gamit, kasama na nga ang mga alaala ng dating karelasyon.

Ipinost ni Claudine sa kanyang IG account ang kumot na ginamit ng aktor sa shooting, “Good morning, Palanggas. RICO CLAUDINE SUPPORTERS DOES THIS LOOK FAMILIAR???

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Magga-garage sale kami this Sat & Sunday till next Sat & Sunday po. Lilipat po kami ng bagong bahay kaya kailangan namin magbawas ng gamit, damit, toys, books, etc.

“I thought it’s time to let go of some of his things/clothes. We will be transferring in a few months & I’ve to get rid of so much things ko. Ayaw ng mommy ko magdala ng clutter pa sa lilipatan.”

May nagtanong kung pati relong ibinigay ni Claudine kay Rico ay kasama sa ibebenta, “@_ms_d_petrovafire do u still have the beautiful watch u gave him nu’ng Christmas 2001? Di u keep that ate @claubarreto?”

Kaagad namang sinagot ito ng aktres, “Yes, I’ve all the watches I gave him, but I’m never selling them po. Just some of his clothes coz @tinamarieyan and I will be opening a business in Sanfo (San Francisco, California).”

Sa madaling salita, magiging business partners sina Claudine at ang ate ni Rico.

May kuha rin ang supporters ng dalawa ng kuwintas na ibinigay din ni Rico noon kay Claudine sa programa ni Sharon Cuneta na ipakiusap nilang huwag sana itong ibenta ng aktres, “@miss_vuhlehruh, Pls keep it and wear it na lang:) don’t let it be a part of your garage sale.”

Ang sagot ng aktres, “Ay, no, I won’t but @tinamarieyan and I thought it’s time to let go of some of his things/clothes. We will be transferring in a few months & I’ve get to rid of so much things ko. Ayaw ng mommy ko magdala ng clutter sa lilipatan.” (REGGEE BONOAN)