2 copy copy

Laro ngayon

(University of Southeastern Philippines-Cebu)

5 n.h. -- Ginebra vs Phoenix

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

ILANG linggo matapos sumabak sa nakaraang Philippine Cup finals kung saan natalo sila ng San Miguel Beer, balik sa hard court ang crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel sa pagsalang ngayong hapon kontra Phoenix.

Ang pinakahihintay na muling paglalaro ng Kings ay magaganap sa road game ng liga sa University of Southeastern Philippines, Cebu City sa 5:00 ng hapon.

Nagbabalik para maging reinforcement ng Kings ang kanilang import na tumapos sa 8-year title drought ng koponan noong nakaraang Season 78 Governors Cup na si Justin Brownlee.

Makakatapat ni Brownlee ang reinforcement ng Fuel Masters na si Jameel McKay na nakakadalawa ng talo matapos palitan ang naging panandaliang import ng koponan na si Eugene Phelps na kinailangang umalis matapos pamunuan ang koponan sa double overtime win kontra Mahindra Floodbusters.

Bukod kay Brownlee, aasahan ni coach Tim Cone upang pamunuan ang Kings para makapagtala ng magandang panimula sina LA Tenorio, Scottie Thompson ,Japeth Aguilar, Kevin Ferret at Joe Devance. (Marivic Awitan)