May 400 bakanteng trabaho ang naghihintay sa Germany para sa mga Pilipinong nurse matapos simulan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang bagong recruitment process para sa Triple Win Project (TWP).

Sa isang advisory, sinabi ng POEA na ang mga aplikante ay dapat na Filipino citizen at permanent resident ng Pilipinas, nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, aktibong Philippine Nursing License, at may dalawang taong professional experience bilang nurse sa mga ospital, rehabilitation center at care institution. Kailangan ay bihasa sa wikang German o handang sumailalim sa German language training sa Pilipinas para makakuha ng Level B1 (na babayaran ng employer) o Bl o B2 language proficiency level alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages.

Ang mga kuwalipikadong nurse ay dapat na magparehistro online sa www.ereqister. poea.gov. ph.

National

Walang naitalang nasawing Pinoy sa Myanmar, Thailand dahil sa M7.7 na lindol – DFA

“The deadline of submission of application is on May 15, 2017,” pahayag ng POEA.

Ang matatanggap na aplikante ay magtrabaho sa Intensive Care Unit (ICU), general, at geriatric care ward. Tatanggap sila ng starting monthly salary na €1,900 (gross) at €2,300 increase matapos kilalanin bilang qualified nurse.

(Samuel P. Medenilla)