ARJO AT BOY1 copy

FINALLY, nakapag-guest na rin si Arjo Atayde sa Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules para sa promo ng Ipaglaban Mo na mapapanood ngayong hapon pagkatapos ng It’s Showtime.

Inamin ni Arjo kay Kuya Boy na noong pa niya gustung-gustong makatrabaho si Erich Gonzales dahil nagagalingan at nagagandahan siya, at sa wakas ay nakatrabaho na niya.

Kaya ang follow-up question ng TV host, kung posible bang ma-in love si Arjo kay Erich lalo’t pareho naman silang single.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“It’s very hard, it’s not about beauty meron si Erich, she’s very beautiful inside and out. Talking about a relationship, I think she’s got out of a relationship, so I just don’t want to jump into conclusion, so, whatsoever... but as of now were close and we’re really good friends,” sagot ng aktor.

Hindi naiwasang itanong ang tungkol sa napabalitang panliligaw niya noon kay Jane Oneiza.

“She’s a friend, and schedule ko rin (hindi swak) and everything else, it didn’t happened (na maging sila),” pag-amin ng binata.

Nang itanong ni Kuya Boy kung si Jane ba ang ‘the one who got away?’

“No!” ang mabilis na sagot ni Arjo.

May nagpatanong sa studio audience tungkol sa member ng Girltrends na idini-date ng aktor.

“I’m seeing someone once in a while,” pag-amin ng binata, pero hindi binanggit kung sino.

Sa fast talk, tinanong siya ni Kuya Boy kung sino ang unang tine-text niya paggising sa umaga.

“CIDG boys (ng FPJ’s Ang Probinsyano),” sagot ng aktor.

In fairness, napakalapit ng binata sa co-actors niya sa Probinsyano na pamilya na ang turingan nila. Saksi kami kapag naiipon sila sa bahay ng mga Atayde, talagang ipinaghahanda pa sila ng Mommy Sylvia Sanchez ng aktor.

Tinanong din si Arjo kung ano ang lamang niya kay Coco Martin: “Kaputian,” sabay tawa.

Samantala, inamin ni Arjo napakahirap ng nararanasan niya sa pagganap bilang Joaquin Tuazon pero malaki ang naitulong ng nanay niya sa improvement ng acting niya.

“Nu’ng umpisa kung ano ang kulang ko, like, ‘O, Arjo ‘yung mata mo, kulang pa, ‘yung pananalita mo masyadong flat ‘pag deliver mo ng lines, walang buhay, walang kulay.’ With all her bombarded me these things, ‘yung sinasabing mali ko, pero tingin ko okay naman, I get challenged. So ‘yung pagna-nag niya sa akin nu’ng una, eventually helped me out na parang I had to find away na paano ko kaya aayusin ito. Instead of feeling bad, I have to solve the problem,” kuwento ng binata.

Ngayong pasado na si Arjo bilang aktor sa paningin ng ina, hindi na siya masyadong nina-nag at base. Naririnig namin sa kuwentuhan ng mag-ina, “’Nak, okay ‘yung eksena mo kanina, masaya ako para sa ‘yo’ at hihirit naman ang aktor ng, “Abangan mo pa, ‘Ma ‘yung susunod.”

Sa ngayon ay si Ria Atayde naman ang inaalalayan ng mag-ina, dahil baguhan pa ito sa pagganap bilang si Dr. Guia Divinagracia sa My Dear Heart. (Reggee Bonoan)