RYZA copy

DINUDUMOG ng maraming bashers si Ryza Cenon dahil sa pagganap niya bilang the other woman ni Gabby Concepcion sa Ika-6 Na Utos. As Georgia, siya kasi ang uri ng kabit na palaban at gagawin ang lahat para lubos na makuha ang pagmamahal at pagtitiwala ng lover (Rome/Gabby).

Okey lang kay Ryza kung bina-bash man siya dahil sa kanyang role, pero nagulat siya nang minsang may nagpa-picture sa kanya na binulungan siya pagkatapos ng, “Gusto kitang sampalin ngayon.” Medyo naguluhan siya, pero okey lang dahil hindi naman daw itinuloy ang sinabi sa kanya.

Very challenging na ang role para kay Ryza dahil patindi nang patindi ang away nila ni Emma (Sunshine Dizon) na hindi na nga naiiwasan kung minsan magkasakitan talaga sila sa taping, pero pagkatapos ay humihingi agad naman sila ng sorry sa isa’t isa.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Wala bang epekto kay Ryza ang mga eksenang ginagawa niya?

“Marami po namang magandang nangyari sa akin nang tanggapin ko ang offer na na-challenge ako talaga,” sagot ng dalaga. “Marami po akong natutunan playing the role, na-correct din ang acting ko, lalo na at si Ms. Laurice Guillen ang director namin. Nag-workshop ako sa kanya, nakatikim din ako ng galit niya, only to find out na sinadya niya akong galitin para magawa ko ang acting na gusto niya. Salamat po, Direk Laurice.

“Iyon nga lang, kapag may ginawa kaming mabigat na eksena, minsan, nadadala ko ito sa bahay, mainit ang ulo ko at minsan, parang hindi ako makahinga. Mayroon po akong heart problem pero kaya ko naman. Itinutulog ko na lang at kinabukasan, okey na ulit ako.

“Kung mayroon man pong namba-bash sa akin, marami namang pinupuri nila ang acting ko at kayang-kaya ko raw ang role na ginagampanan ko. Kaya salamat po.”

Piniktyuran namin si Ryza na sabi namin ngumiti naman siya dahil sa top-rating afternoon prime lagi na lang siyang galit at sumisigaw. Ipinost namin ito sa Instagram at magaganda ang comments ng netizens: “Yap, siya ‘yung kontrabida na cute.” “Kontrabidang mala-anghel ang mukha.” “Galing niyang umarte.” “Beautiful and sexy contrabida... kuhang-kuha mo ang character ni Georgia... galing.”

Thankful si Ryza sa mga sumusubaybay sa serye nila, kaya naman ang imbitasyon niya: “Para po sa inyo, extended po ang Ika-6 Na Utos hanggang Sabado, simula sa April 1, pagkatapos po ng Eat Bulaga. Ibig sabihin, mula po Lunes hanggang Sabado na ninyo kami mapapanood nina Kuya Gabby at Ate Sunshine.”

Natawa si Ryza nang sabihin naming, additional taping day (MWFS), so additional talent fee. Congratulations Team Ika-6 Na Utos. (Nora Calderon)