MAAARING mas mabilis na ang pagtanda ng iyong utak kapag ikaw ay tumuntong na sa edad na 65 – o kung hindi, nakadepende ito sa partikular na gene na iyong tinataglay, ayon sa bagong pag-aaral.

Sa pag-aaral, tinukoy ng mga scientist ang gene na kumukontrol sa bilis ng pagtanda ng utak, at sinabi nila na ang partikular na bersiyon nito ay maaaring makapagbigay ng proteksiyon laban sa age-related neurological diseases, kabilang ang dementia.

Nagsisimulang gumalaw ang gene na tinatawag na TMEM106B sa edad na 65. Sa panahong ito, ang mga taong nagtataglay ng naturang gene ay nagkakaroon ng utak na tila 10–12 anyos kumpara sa mga taong kaedad nila na may working copies (of genes), ayon sa mga siyentista.

Maaaring makatulong ang natuklasang ito upang matukoy ng mga doktor ang mga taong may mataas na panganib sa pagkakaroon ng neurological disease sanhi ng faulty na TMEM106B gene. Maaari rin itong makatulong sa pagdebelop ng gamot na lulunas sa naturang gene para sa mas malusog na brain aging, ayon sa mga researcher. Makikita ang pag-aaral na ito sa journal Cell Systems.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Nitong mga nagdaang taon, natukoy ng mga siyentista ang iba’t ibang gene na maiiugnay sa Alzheimer’s disease, Parkinson’s disease at iba pang neurological conditions.

“But those genes explain only a small part of these diseases,” saaad ng co-leader ng pag-aaral na si Herve Rhinn, assistant professor ng pathology and cell biology sa Taub Institute for Alzheimer’s Disease at ang Aging Brain sa Columbia University Medical Center sa New York. “By far, the major risk factor for neurodegenerative disease is aging. Something changes in the brain as you age that makes you more susceptible to brain disease.””

“If you look at a group of seniors, some will look older than their peers, and some will look younger,” ani Dr. Asa Abeliovich, propesor ng pathology at neurology sa Taub Institute at a co-author ng pag-aaral. “The same differences in aging can be seen in the frontal cortex, the brain region responsible for higher mental processes.” (Live Science)