TOKYO (AFP) – Nagbalik ang isang Japanese whaling fleet sa daungan kahapon matapos ang taunang pangingisda sa Antarctic at kinatay ang mahigit 300 hayop sa dagat sa pagpapatuloy ng Tokyo sa kanilang tradisyon sa kabila ng pandaigdigang pagbatikos.
Umalis ang limang barko mula sa Southern Ocean noong Nobyembre, planong manghuli ng 333 minke whale, sa kabila ng pandaigdigang moratorium at mga pagtutol sa pangunguna ng Australia at New Zealand.
Dumating ang tatlo sa mga barko kahapon ng umaga sa Shimonoseki port sa kanluran ng Japan, sinabi ng Fisheries Agency.