Alden Richards 082716 (1) copy copy

MAY mga nagdududa palang hindi totoo ang announcement na sold out na ang tickets ng concert ni Alden Richards sa Kia Theater sa May 27 titled Upsurge.

Afternoon of March 20 nagsimulang magbenta online ang GMA Records, ang producer ng concert, pero as of afternoon ng March 23, sold out na ang tickets. Kaya marami ang fans ng Pambansang Bae na gusto ring bumili na hindi na nakaabot.

Sinubukang buksan ng isang friend namin ang website ng ticketnet.com.ph at nang i-click niya ang “buy tickets button”, “this performance is sold out” ang lumabas.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Hanggang ngayon, nagtatanungan pa rin ang fans ni Alden kung hindi na raw magdadagdag ng tickets para makapanood din sila.

Nag-text ang isang friend namin from Dagupan City kung wala na raw siyang mabibili kahit general admission, makapanood lang siya. Sad to say, wala na talaga siyang mabibili.

Unang naubos ang VIP tickets, then ang orchestra, loge at balcony. Balitang may fans na talagang inabangan ang VIP tickets dahil may promo na mabibigyan sila ng chance na makapanood ng rehearsal ni Alden at makakatanggap ng freebies mula sa GMA Records.

Anyway, wala pa kaming idea kung sinu-sino ang makakasama ni Alden sa concert, basta ang press release nila “with surprise guests.”

Samantala, bukod sa tuluy-tuloy na taping nina Alden at ni Maine Mendoza ng Destined To Be Yours, naghahanda na rin sila para sa kanilang “Kalyeserye sa US” concert sa Pasadena Auditorium sa Los Angeles, California on April 9 at sa Kings Theater sa Brooklyn, New York, kasama ang tatlong lola na ginagampanan nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Right after daw ng concert nila sa LA, tuloy na agad sila sa New York. (Nora Calderon)