ALJUR copy copy

AYON sa isa naming katoto na malapit kay Aljur Abrenica, walang balak ang actor na takbuhan ang mahigit sa isang milyong pagkakautang niya sa broadcast journalist na si Kaye Dacer.

Pinagpipistahan kasi sa mga tabloid ang mahigit isang taon nang utang ni Aljur na balanse sa hulugang bahay na binili ng actor kay Ms. Kaye.

Kuwento ng kausap namin, nagkakahalaga raw ng P19M ang kinuha ni Aljur. Pero ikinagulat daw ng Kapuso actor kung bakit lumabas ang naturang balita.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kinukuwenta na raw ngayon ni Aljur kung magkano na talaga ang naihulog na niya at pati na rin kung magkano pa ang natitira na dapat niyang bayaran.

“Walang balak si Aljur na takasan ang atraso niyang ‘yan. Pagkakautang niya ‘yan, kaya dapat lang na bayaran niya,” sey pa ng tagapagtanggol ni Aljur.

Dahil sa naturang isyu ay may mga nambaba-bash naman ngayon kay Ms. Kaye Dacer. Kumbaga, sa halip na si Aljur ang i-bash dahil ito ang may atraso, ang pinagkakautangan pa ang pinagdidiskitahan ng bashers, huh!

Samantala, mag-i-expire na ang kontrata ni Aljur sa GMA-7. Pareho raw wala nang balak ang magkabilang kampo na magkatrabaho pa muli. Pero para naman daw kay Aljur ay tuloy pa rin ang takbo ng showbiz career niya. (Jimi Escala)