Kalaboso ang dalawang lalaki makaraang ireklamo sa tangkang panggagahasa sa dalawang babae sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City.

Nahaharap sa kasong attempted rape si Danilo Bustilo, 25, mangingisda ng Road 10, Sitio Sto. Niño, Barangay North Boulevard South habang si Anton Badigue, 24, ng H. Monroy, Barangay West ay sinampahan ng kasong acts of lasciviousness.

Ayon sa biktima, 26, club entertainer, natutulog siya sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. NBBS nang magising sa panghihimas sa kanyang dibdib at nakita niya si Bustilo na walang damit pang-ibaba at nais siyang halayin.

Nanlaban umano ang biktima hanggang sa siya’y nakatakas at humingi ng tulong sa mga tanod na naging sanhi ng pagkakaaresto kay Bustilo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa salaysay naman ng isa pang biktima, bandang 1:00 ng hapon ay kumakain sila ng kanyang anak nang biglang dumating si Badigue na may hawak na patalim.

Tinutukan umano siya ni Badigue, sabay hawak sa kanyang dibdib.

Sa kabila ng takot, nagsisigaw ang biktima na narinig ng kanyang mga kapitbahay na naging sanhi ng pagkakahuli kay Badigue. (Orly L. Barcala)