TARLAC CITY - Sinawimpalad na mamatay ang isang 19-anyos na lalaki makaraang pagbabatuhin ng limang katao ang minamaneho niyang motorsiklo hanggang sa bumalandra siya sa kalsada ng Sitio Mangga 2, Barangay Matatalaib, Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni PO3 Neville Isdell Garcia, nasawi si Jerome Bulahan, habang grabe namang nasugatan ang angkas nitong si Jerold Russel Torres, 19, ng Sitio Lor, Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Sa follow up operation ng pulisya, naaresto sina Jefferson Garcia at Vergel Malazo, 19, habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan ng mga ito na sina Dennisa Francisco, Emil Bulan, at Marc Tiglao, pawang taga-Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Nabatid na dakong 12:10 ng umaga at sakay sa motorsiklo sina Bulahan at Torres nang habulin sila ng limang suspek na nasa tricycle at pinagpupukol ng bato. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog