KEY BISCAYNE, Fla. (AP) — Umusad sa quarterfinal round sina Roger Federer at Rafael Nadal sa Miami Open dito.

Kapwa nagdiwang sina Federer at Nadal — naglaro sa magkatabing court bilang pagdiriwang sa ika-13 taong anibersaryo nang unang pagtatapat sa career ng dalawa sa pinakasikat na tennis player sa mundo.

Hindi naman nakasabay sa suwerte ng dalawa si No. 1 seed Stan Wawrinka na nabigo kay Alexnder Zverev sa panahon ng kanyang kaarawan.

“Every match is going to be tough from now on,” pahayag ng second-seeded na si Kei Nishikori, nakalusot din sa three-setter para makaabot sa Final 8.

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta

Ginapi ng fourth-seeded na si Federer ang No. 14 na si Roberto Bautista Agut 7-6 (5), 7-6 (4), habang pinatalsik ng fifth-seeded na si Nadal si Nicolas Marut 6-4, 7-6 (4), Nakahirit naman si Nishikori — finalist dito may isang taon na ang nakalilipas, kontra Federico Delbonis 6-3, 4-6, 6-3.

Nakahirit naman si Karolina Pliskova, ng semifinal slot sa women’s division sa impresibong 6-3, 6-4 panalo kontra 26th-seeded Mirjana Lucic-Baroni.

Sunod niyang makakaharap si 12th-seeded Caroline Wozniacki, nagwagi kay unseeded Lucie Safarova, 6-4,-6-3.

“I’m really enjoying my tennis this year ... winning almost every match so far,” sambit ni Pliskova.