SA kagandahang loob ng Resorts World Manila, ang pinakamalaking premyo para sa handler ng champion entry ay ipapapremyo sa parating na pinamatagumpay na 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby.

Maliban sa P15M na garantisadong premyo, isang bagong Strada GL 4x2 M/T pick-up truck ang makakamit ng handler ng magkakampiyon na lahok. Ang entry fee ay P88,000, samantalang ang minimum bet ay P55,000.

Handog nila Charlie "Atong" Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pag-agapay nila Lando Luzong at Eric dela Rosa, ang anim na araw na labanan ay gaganapin sa Mayo 14-20 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang makasaysayang labanan ng mga tinale ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Lahat ng sasali ay bibigyan ng libreng hotel room at parking slot sa mga araw ng laban at commemorative trophy na desenyo ni Castrillo mula naman sa Thunderbird Bexan XP.

Ang 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ay magsisimula sa Linggo -Mayo 14 para sa unang set ng 2-cock elims at susundan ng isa pang 2-cock elims sa Lunes – Mayo 15.

Ang unang 3-cock semis ay sa Mayo 16 (0-2 puntos) at sa Mayo 17 – para sa second set (0-2 puntos).

Ang 4-cock finals para sa mga entries na umiskor ng 2, 2.5, 3 o 3.5 matapos ang semis ay sa Biyernes - Mayo 19.

Samantala ang 4-cock grand finals para sa may mga puntos 4, 4.5 & 5 ay sa Sabado Mayo 20, kung kailan magkakaalaman kung sino ang tatanghaling kampeon.

Para sa mga detalye at cockhouse reservations, maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Kate Villalon – 09278419979.