Pinawalang-sala ng Sandiganbayan First Division si Anda, Pangasinan Mayor Aldrin Caido Cerdan sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang pagrenta ng heavy equipment noong 2012.

Una siyang kinasuhan ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos niyang parentahan ang backhoe, payloader at mga drum truck ng pamahalaang bayan sa JASA Builders sa halagang P100,000 nang hindi hinihingi ang permiso ng Sangguniang Bayan.

Ang kanyang ginawa ay paglabag sa Section 22(c) ng Local Government Code of 1991.

Gayunman, iginiit ni Cerdan sa kanyang motion to quash na inabot ng limang taon ang Office of the Ombudsman bago inihain ang impormasyon laban sa kanya, at ang pagkakabalam na ito, nang walang balidong dahilan, ay disbentahe sa kanya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinatigan ng korte ang alkalde. (Czarina Nicole O. Ong)