HINDI nagustuhan ng kilalang TV host/blogger ang ginawang pagkukumpara sa kanya sa isang nagsisimulang aktres na produkto ng reality show ng isang kilalang TV host din.

Ayon sa TV host/blogger, off ang ginawa ng kapwa niya TV host na ikumpara siya sa newcomer dahil, unang-una, hindi naman sila magkakilala ng baguhang aktres at higit sa lahat ay hindi rin sila close ng TV host.

Maraming followers ang TV host/blogger na sumang-ayon sa punto niya at pinayuhan siyang dedmahin na lang ang isinagawang survey dahil wala naman daw katuturan.

Nagtataka ang ibang katoto dahil ang layu-layo naman talaga ng deperensiya ng pinagkukumparang dalawang personalidad. Unang-una, hindi naman artista ang TV host/blogger at higit sa lahat, ayaw niyang pinag-uusapan ang personal niyang buhay.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Samantalang ang nagsisimulang aktres ay masyadong lantad ang personal na buhay lalo na sa piling ng lalaking mahal nito.

Anyway, nagiging paborito ng maraming viewers ang TV host/blogger at sa katunayan pati kapwa babae ay nagkaka-crush sa kanya. Ang ganda naman kasi talaga at simple pa. Pero sa pagkakaalam namin ay taken na siya. (Reggee Bonoan)