Isang matandang lalaki na umano’ y nambababae ang natagpuang patay, taglay ang mga saksak sa katawan, sa harap mismo ng bahay ng kanyang “babae” sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Reynaldo “Boy” Bautista, 61, ng Barangay Muzon, Malabon. Apat na araw na umano itong nawawala.

Base sa imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ni Bautista sa harap ng bahay ng kanya umanong babae sa Barangay Muzon, Malabon, dakong 5:00 ng madaling araw.

Ayon sa mga residente, natagpuan nila ang bangkay na nakabalot sa asul na plastic bag at packaging tape.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa salaysay ni Malabon Police chief Sr. Supt. John Chua, marami umanong kabit ang biktima kaya posible umanong selos ang dahilan ng pamamaslang.

Ayon kay Chua, kilala na nila ang suspek. Gayunman, tumanggi siyang pangalanan ito at sinabing baka makaapekto sa kanilang pag-aresto sa oras ito’y pinangalanan.

“The victim is allegedly involved in an illicit affair. We now have a lead, but we can’t sill reveal his identity because we are currently conducting a follow-up operation,” sambit ni Chua. (Jel Santos)