COCO AT ONYOK copy copy

AYAW pang matapos ng televiewers ang FPJ’s Ang Probinsyano pero ibinulong sa amin ng isang spy namin sa ABS-CBN na nakatakda na ang malapit nitong pamamaalam sa ere.

Katunayan, last January pa nga sana magwawakas ang top-rating show ni Coco Martin (at ibinulong din niya ito sa amin bago natapos ang 2016) pero dahil hindi pa noon nakahanda ang ipapalit na programa ay na-extend pa ito ng ilang buwan.

Pero ngayon daw ay naka-ready na ang ipapalit sa aksiyon serye na dalawang taong namayagpag bilang No. 1 television show.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sa totoo lang din naman, eh, totoo ‘yung sinabi kong January pa lang dapat, eh, papasok na ang programang kapalit ng show ni Coco pero may mga inaayos pa kasi at talagang pinaghandaan din ng istasyon ang ipapalit sa Ang Probinsiyano,” sey ng source.

Tiyak na marami ang malulungkot sa nakatakdang pamamaalam ng Ang Probinsiyano. Halos lahat kasi ng mga kakilala namin, lalo na dito sa amin sa Tondo, ay nakatutok sa programang ito ng Dreamscape.

Tiyak na malulungkot din ang mga artistang kasama sa maaksiyong serye pati na ang mga nabigyan ng pagkakataon na maging guest. Pero may isang super sikat na celebrity pa raw na nakatakdang maging panauhin ng Probinsyano.

Paniguradong sabi pa ng source namin, hindi raw bibitawan ng viewers ang Probinsiyano hanggang sa mga huling kabanata dahil marami pa ring mga pasabog na eksenang kaabang-abang. (Jimi Escala)