SYLVIA AT NONIE copy

FINALLY, mapapanood na sa Lunes, Marso 27 ang most awaited wedding scene nina Peter (Nonie Buencamino) at Gloria (Sylvia Sanchez) sa The Greatest Love pagkatapos ng The Better-Half.

Grabe, ilang oras kinunan ang nasabing eksena pero nag-enjoy naman ang lahat sa shooting sa Silang, Cavite dahil ang ganda-ganda raw ng lugar.

Tawanan nang tawanan sina Nonie at Ibyang kapag break dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na sa tagal na nila sa showbiz ay ngayon pa sila magkakaroon ng wedding scene.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pero in fairness, ang malakas ang chemistry nina Nonie at Sylvisa kahit first time lang nilang magkatrabaho as love team.

Akalain mo, hindi lang sa mga kabataang artista nababagay ang love team, puwede rin sa may mga edad na tulad nina Peter at Gloria.

Ito ang pausong inumpisahan nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Klik na klik din ang ganitong tambalan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion sa A Love To Last. Sinu-sino pa kayang seniotr stars ang susunod sa nakakatuwang trend na ito. (Reggee Bonoan)