Laro Ngayon

(Rizal Memorial

Baseball Stadium)

8 n.u. -- UST vs AdU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

(Softball Finals)

12 n.t. -- UST vs ADMU

(Baseball Finals)

TARGET ng Adamson University na tapusin na ang serye laban sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 79 softball championship ngayon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Tila kinasiyahan ang layunin ng Lady Falcons matapos ipahayag na posibleng hindi makalaro si Tigress pitcher Mary Ann Antolihao sa Game 2 bunsod ng injury sa kanang tuhod.

Sa kabila nito, ayaw pakumpiyansa ni Lady Falcons coach Ana Santiago sa kanilang laro sa 8:00 ng umaga.

“Ako naman, from the start, ang main woman nila ay si Antolihao,” sambit ni Santiago.

“But we’re not looking for that one player only, we’re looking at them as a whole. It doesn’t mean na pag mag-preprepare kami kay Ann, hindi kami mag-preprepare for their other pitchers,” aniya.

Target naman ng Ateneo na makopo ang ikaapat na baseball crown sa loob ng limang taon sa pakikipagtuos sa UST sa Game 2 ganap na 12:00 ng tanghali.

Asam naman ng seven-peat titlist Lady Falcons na makamit ang ika-16 na titulo. Nakopo nila ang 9-2 panalo sa Game One nitong Martes.

Umaasa si UST coach Sandy Barredo na mapayagan ng pagkakataon na makalaro si Antolihao at kung hindi man nakatuon ang pansin kay Mallows Garde. (Marivic Awitan)