Derek copy copy

ANG tarush ni Paolo Ballesteros, Regal Baby na, dahil pinapirma siya ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Ms.Roselle Monteverde-Teo ng kontrata para sa tatlong pelikula sa Regal Entertainment.

Masayang-masaya si Paolo dahil hindi niya inasahan na mapapasama na siya sa roster of Regal Babies ni Mother Lily.

Nagbunga ang matagal na panahon nang pagsisikap ni Paolo through his movie na Die Beautiful na hanggang ngayon ay bukambibig ng mga beki at maging sa local beauty contests.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ang isa sa tatlong pelikulang gagawin ni Paolo sa Regal ay ang The Super-Ex-Woman na magkakaroon ng iba’t ibang superpowers ang role niya.  

Kuwento ng manager niyang si Jojie Dingcong, “It’s a fantasy romantic comedy and we’re gonna have story conference pa next week so, I don’t know yet the whole story. I don’t know also kung sino ang makakasama pa, nagka-casting pa.”

Gusto raw sanang si Binibining Joyce Bernal ang magdirek ng The Super Ex-Woman pero aalamin pa nila ang schedule ng box office director.

At ang ikalawang pelikula ay pagsasamahan nila ni Derek Ramsay at gaganap sila bilang magkapatid. Action-comedy naman daw ang tema at obviously, gay ulit ang papel ng una bagay na pinag-aawayan nila ng huli.

“Ito, vague pa kasi ganu’n pa lang napag-usapan, as in so wala pa talaga akong alam, itong The Super –Ex –Woman pa lang ang me idea na ako,” kuwento ni Jojie sa amin nang maka-tsikahan namin kagabi sa telepono.

Napakasaya ni Jojie na hindi nawawalan ng projects ang mga alagang sina Derek at Paolo. (Reggee Bonoan)