TARLAC CITY - Ginagamit ngayon ng mga lokal na pamahalaan sa Central Luzon, sa pamamagitan ng Provincial Public Health Office (PPHO), ang social media sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan, partikular sa pagpapaigting ng kamalayan upang maiwasan ang paglaganap ng Human Immunodefiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Katunayan, nakikipag-ugnayan ang PPHO sa Bulacan State University at sa iba pang lugar sa Central Luzon para sa #ThinkPositive campaign na nagsusulong ng HIV awareness sa Facebook, Instagram at Twitter sa mga residente, partikular sa kabataan. (Leandro Alborote)