May 15, 2026

Home BALITA National

PBBM, masayang nahuli na si Zaldy Co—Usec. Castro

PBBM, masayang nahuli na si Zaldy Co—Usec. Castro
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, MB, RTVM/YT


Ibinahagi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na masaya umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ganap na pagkakaaresto kay dating Ako-Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Kaugnay ito sa pagkakatiklo sa dating kongresista sa Prague, Czech Republic noong Huwebes ng gabi, Abril 16, batay sa kumpirmasyon ni PBBM.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM-Balita

Sa isinagawang press briefing ng PCO nitong Biyernes, Abril 17, tahasang ipinahayag ni Usec. Castro na masaya ang Pangulo sa pagkakadakip kay Co, matapos matanong kung masaya ba ito sa pagkakahuli sa isa umano sa mga “big fish” sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

“Definitely, dahil sabi nga po natin, ang utos po niya [ay] managot ang dapat managot. Kung [ang] isang tao po ay may warrant of arrest, fugitive, cancelled ang passport, sino po ang hindi matutuwa na ang isang taong fugitive ay maibabalik sa Pilipinas para managot,” saad ni Usec. Castro.

Base sa huling update sa pagkakatimbog kay Zaldy Co, kinumpirma rin ni PBBM na hindi umano pinapasok sa bansang Germany ang dating kongresista, dahilan upang ito ay maaresto.

“The latest information confirms that Zaldy Co was stopped at the German border after entering from the Czech Republic,” ani PBBM.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, 'di pinapasok ng Germany kaya natiklo ng Czech—PBBM-Balita