Ni ADOR V. SALUTA

Kiray at  KirstHANGGANG ngayon ay ayaw pa ring paniwalaan ng netizens na happy ang love life ni Kiray Celis sa kanyang model boyfriend na si Kirst Viray. Um-attend ang dalawa sa MYX Music Awards 2017, ang kauna-unahang pagrampa ng komedyana at ng guwapong boyfriend sa showbiz.

Ayon sa nakakitang fans sa kanila, kapansin-pansin ang kakaibang aura ni Kiray habang may karay-karay na poging modelo sa naturang event. Nang tanungin kung bakit siya blooming that night, pabiro niyang sagot, “Siguro dahil naka-makeup ako ngayon?” sabay tawa.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Kirst na ipinagda-drive niya si Kiray ‘pag wala siyang lakad. Mas kailangan daw ni Kiray ang alalay at driver dahil sa rami ng appointments.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Okay naman po. Medyo hectic po ang maging driver niya kasi almost everyday may lakad,” sey ng modelo.

Enjoy daw siya ‘pag kasama si Kiray at no dull moments sa kanilang dalawa.

“Cute, sobrang masaya siyang kasama. I mean, hindi ako na bored ‘pag kasama ko siya.” 

Sa negatibong comments ng ilang netizens sa social media, dedma lang daw si Kiray. Inaakusahan kasi ang komedyana na gimik lang nilang dalawa ito para mapag-usapan sila.

Pahayag ni Kiray, hindi na siya nagbabasa ng kung anu-anong comments para hindi masira ang araw niya. Sinesegundahan ito ng boyfriend niya”

“Wala kaming nababasa kasi ayaw na lang namin basahin at wala kaming pakialam. As much as possible, hindi na lang talaga ako nagbabasa kasi mag-iisip ka lang ng kung anu-ano, kaya hindi na lang namin binabasa,” sabi ng binata.

Ano ang estado ng kanilang relasyon? 

“Wala kaming isasagot kasi ayaw po namin sumagot,” mataray niyang buwelta.

Mensahe ni Kiray sa mga nang-iintriga sa kanilang relasyon:

“So, sa mga taong nagsasabi na gimik lang ‘to, tigilan n’yo kami. Nakakainis, kasi sinasabi lang na nag-promo kami. Naiinis ako ‘pag sinasabing ginagamit niya lang ako. Stop it! Stop it!” iritableng sabi ni Kiray.

Hindi rin naman kasi masisisi ang netizens dahil una nang ginawa ito ni Kakai Bautista years ago, nang ipinagsigawang nililigawan daw  siya ng Thai teen hearthrob na si Mario Maurer na sa bandang huli at katsipang gimik lang naman pala to promote their movie. 

Isinunod ni Kakai si Ahron Villena na “sukang-suka” tuloy sa ilusyon ng komedyana. At ngayon, pinagdududahan ang gender ng poging aktor.

Lalayo pa ba kay Mahal? Bukod sa inilusyong modelo na iniugnay sa kanya, mas nauna itong nainlab kay Filio Salazar na sa bandang huli’y umaming bading at gimik lang daw ang pag-uugnay sa kanila ni Mahal para mapag-usapan?.

Wish lang namin, true love ang kina Kiray at Kirst dahil sabi nga, all is fair in love!