Ni REMY UMEREZ 

SALAT sa promotions ang indie films dala ng kaliitan ng budget. Kadalasan, kahit manalo ito o ang mga artista nito ng awards ay halos walang nakakaalam ang publiko. 

Tulad ni Anna Luna na ganap nang bida sa pelikulang Maestra.

Ipinangalan siya after the soap Anna Luna noong dekada 90. Emir ang una niyang pelikula noong 2010, nang gumanap siya bilang kapatid ni Francesca Farr sa direksiyon ni Chito Roño. Tinanghal siya bilang best supporting actress as  the daughter ni Vivian Velez sa pelikulang Bendor na inilahok sa Cinema One filmfest. Muli siyang nanalo as best supporting actress sa Paglipay na entry sa ToFarm filmfest. Sa telebisyon ay lumabas na siya sa mga soap opera ng ABS CBN tulad ng  Dream Dad, Oh My G at The Greatest Love.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

Sobrang tuwa ni Anna Luna dahil siya ang napisil na magbida sa pelikulang Maestra na prinodyus ni Carl Balita. Isa itong tribute sa mga guro. Ginagampanan niya ang role ni Iah, a dedicated young teacher  sa  Aeta  community na apat na oras na naglalakad maturuan lamang ang kanyang mga estudyante.

Pansamantalang tumigil si Anna Luna sa pag-aaral ng kursong Digital Filmmaking sa St. Benilde dahil sa pagiging  abala niya sa paggawa ng pelikula.