sugar copy

NAGPASAKLOLO sa Supreme Court ang dating miyembro ng isang sexy girl dance group na sinasabing biktima ng harassment ng kanyang mister na si Kristofer Jay Go. 

Sa tulong ng grupong Gabriela, humirit ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema si Sugar Mercado at ang kanyang mga magulang na sina Reylando at Yolanda Mercado nang sampahan sila ni Go ng patung-patong na kaso sa iba’t ibang korte sa QC.

Sa inihaing petition for certiorari with prayer for TRO, nais ni Sugar Mercado na pigilan ang QC courts na dinggin ang mga isinampang reklamo ni Go.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

Ayon sa Gabriela, malinaw na harassment ang ginagawa ng dating mister ni Sugar simula nang maghain ito ng mga kasong child abuse, libel at physical injuries.

Paliwanag ng Gabriela, ito ay isang uri ng tinatawag na SLAPP o strategic lawsuit against public participation para takutin ang mga biktima ng pang-aabuso na dumulog sa korte.

Nag-ugat ang problema ni Mercado sa agawan sa kostodiya sa kanilang anak.  

Tumatayong respondents sa kaso si Go at ang ilang branch ng QC RTC.