July 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Gov. Pam Baricuatro, ipinag-utos paghihigpit ng seguridad sa mga eskwelahan sa Cebu

Gov. Pam Baricuatro, ipinag-utos paghihigpit ng seguridad sa mga eskwelahan sa Cebu
Photo courtesy: Cebu Province (FB), Tacloban City Information Office (FB)

Ipinag-utos ni Governor Pam Baricuatro sa Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang paghihigpit at implementasyon ng mga pag-iingat na hakbang sa probinsya ng Cebu kasunod ng naganap na insidente ng pamamaril sa Tacloban City, Leyte, noong Lunes, Hunyo 22. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City

Batay sa ulat ng Cebu Province nitong Martes, Hunyo 23, ilan sa mga ikinokonsidera ni Baricuatro ay ang deployment ng isang pulis kada eskwelahan para sa regular na pag-iinspeksyon at mas pinaigting na mobile patrols, gayundin ang monitoring ng fraternities, sororities, at iba pang grupo o gangs, sa Cebu. 

Idiniin ni Baricuatro na mahalagang manatiling “safe space” ang mga eskwelahan mula sa karahasan at bullying. 

Ang mga hakbang at plano ay ipinanawagan din ni Baricuatro kina Department of Education (DepEd) Cebu Province Superintendent, Senen Paulin at Department of Interior and Local Government (DILG) Cebu Provincial Director, Jesus Sastrillo, upang mapangunahan ng mga ito ang gagawing Provincial Peace and Order Council sa darating na Huwebes, Hunyo 25. 

Probinsya

8-anyos na namatay matapos hatawin ng notebook sa Davao City, hindi na ipapa-autopsy!

Kung saan, pag-uusapan ang mga karagdagang aksyon upang mapagtibay ang seguridad ng mga paaralan.