Tila hindi kumbinsido ang maraming netizens sa paliwanag ng estudyanteng si Angel del Rosario na dumulog sa “Raffy Tulfo in Action” para ireklamo ang mga nagbigay ng malisya sa ginagawa niya habang nasa online class.
Inilahad ni Angel kamakailan sa isang episode ng naturang radio program ang kuwento sa likod ng video na aniya’y binigyang-malisya.
Ayon sa kaniya, recitation umano nang mahuli siyang may ibang ginagawa. Iginilid niya raw ang kaniyang ulo palayo sa camera ng ginagamit niya noong tablet upang pasimpleng maghanap ng sagot sa Google.
“Aminado naman pong nag-Google ako noon, kaya iniwas ko ‘yong ulo ko para hindi po makita. Then after po no’n, nag-a-agree po ako no’n that time,” saad ni Angel.
Dagdag pa niya, “Hindi ko naman po alam na bibigyan ako ng malisya ‘yong ginagawa ko.
Para makasigurado, tinanong si Angel kung ano ba talaga ang ginagawa niya sa video.
“Ano po bang ginagawa n’yo?” anang host ng programa na si Atty. JV Bernardez. “Tumatango kayo?”
Sagot ng estudyante, “Nag-agree po ako sa sinabi ng kaklase ko kasi tama po ‘yong sagot niya base sa search ko. Kita naman po sa video na tumingin po ako sa camera, which is aware po ako na naka-open cam ako.”
Ngunit tila iba ang palagay ng maraming netizens sa ginagawa ni Angel habang nasa online class. Narito ang ilan sa kanilang mga komento na matatagpuan sa YouTube channel ng “Raffy Tulfo in Action:”
"Ate para kang gobyerno natin harap harapan mo kaming tinatarantado hahahaha"
"Ate chumuchupa ka talaga HAHAHAHAHAHAHA "
"Ayoko talaga Yung harap harapan tinatarantado "
"Te, sumusubo din ako te.. alam ko yan wag mo kami linlangin HAHAHAHAA"
"Mali naman talaga ipakalat ang video, pero kasi teh ang hirap mo ipaglaban. Hahaha"
"kampi yan jan sayo dyan pero paglabas mo ng studio. paguusapan ka nag chupachup ka talaga HAHAHAHAHAHAHA"
"Oo na lang te, Kunwari pinanganak kami kahapon "
"Paghawi mo palang sa buhok mo teh alam na agad kabisa kona yan HAHHAHAHAHAHA"
Samantala, sa huling bahagi ng programa, sinabi ni Atty. JV na pag-uusapan umano nila ang legal na hakbang na gagawin laban sa mga nagpakalat ng video.
Umaasa si Angel na klaro na para sa mga nakapanood ng kaniyang video na wala siyang malaswang ginagawa habang nasa online class.
“Sana maging aware din po tayo na ‘pag may ganitong senaryo po is sana huwag na rin po tayong makidagdag sa false information,” pahabol pa niya.